Wednesday, October 12, 2016

Performance Task 2

Ang blogspot na ito ay para sa Performance Task ng Grade 10- St. Luke. Mangyari na ipasa ang proyekto sa araw ng Lunes (Oktubre, 24, 2016)

63 comments:

  1. "Kagalakan sa kabila ng kapansanan"

    Kung ang pagkakaroon ng buhay ay nangangahulugan ng paulit-ulit na pagkakadapa mo na halos hindi ka na makabangon sa sakit ng tumba. Kung ang pagkakaroon ng buhay ang pangangailangan mong abutin ang mga bituin na ang paa mo ay nakaposas at wala kang kawala. Kung ang pagkakaroon ng buhay ay parang paglusong mo sa rumaragasang baha na walang kasiguraduhan kung saan ka mapupunta at madadala, ay parang ayoko na yatang mabuhay.

    Minsan tayo, napaka-hilig natin sa mga bagay na masasarap at nakakapagbigay sa atin ng luho at rangya. Nakakalimutan nating isipin na ito ay tunay na buhay, ito ang realidad kung saan hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo! Sa buhay, may mga bagay kang hindi inaasahan pero kusa itong darating, at hindi mo namamalayan na inanod ka na sa karagatan ng pagdurusa. Katulad na lamang ng mga taong nalang na hinampas ng alon ng buhay, natumba at nalumpo. Handa ka bang tanggapin ang tadhana mong mabuhay ng lumpo?

    Lumpo? Oo, literal, isang halimbawa na lamang ang karanasan ng aking ina na sa tatlong taong edad ay nalumpo na. Kay agang nakaranas ng mahirap na buhay. Gaano kalungkot na wala kang kapabilidad na gawin ang gusto mo bilang bata? Gaano kasaklap panooring naglalaro ang mga kaibigan mo sa putikan habang ikaw ay nakatanaw lang? Mahigit limamput tatlong taon niyang tinitiis ang pagkalumpo. Katulad rin ni Tatay Larry nang hindi inaasahang maputulan ng paa dahil sa aksidente. Naging mas masalimuot ang takbo sa kanyang mundo. Ano namang pakiramdam na tatlong beses na kinakayod sa harap mo ang isang mahalagang parte ng katawan mo? Mga buhay na nakaasa sa upuang de gulong at artipisyal na paa. Ay tunay na mahirap talaga ang buhay!

    Sa kabila ng lahat ng ito ay tuloy pa rin ang buhay, nananatiling matatag kahit na may mga pagsubok. Maligaya na rin sa mga biyaya ng Panginoon. Ang pagkakaanod sa karagatan ang nagturo sa kanilang lumangoy, sumabay sa agos, at maging Masaya sa tubig kung saan sila dinala ng alon. Kapansanan ang nagging salbabida sa nakalulunod na problema ng buhay. Bawat araw ay ginawang makabuluhan at hindi sinayang ang pagkakataon dahil lamang sa kapansanan. Mga katagang “Ay kaya ko pala! Kahit ganito ako!” Dinala sa isang positibong pananaw na paa lamang ang kinuha sa kanila at hindi buhay. Nangangahulugan lamang na mahirap man ang pinagdadaanan ay hindi ito dapat maging hadlang at sapat na dahilan upang manatili tayong palutang-lutang lamang sa tubig at nag-iintay ng sasagip sa atin. Sabi nga ni mama, “Disability is not an obstacle, it’s a challenge.”

    Ang buhay ay parang upuang de gulong, paulit-ulit ang ikot, madadapa ka ng madadapa ng madadapa, pero ang mahalaga ay kung paano ka nagsumikap bumangon sa pagkakatumba mo. Isang kagandahan ng buhay na dapat nating pahalagahan. Sa lahat ng kapinsalaang darating ay manatiling matatag, at tumayo muli dahil sa buhay, “It’s not how many times you fall that matters, it’s how you get back up that counts.” Sa ibabaw ng lahat ng ito, kaysarap palang mabuhay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahusay ang pagkakalahad.
      4
      5
      4
      5
      Total 18

      Delete
    2. GOD's afternoon!

      Kung maaari ay pakaiiwasan ang paggamit ng "mo", "ka." Puwede namang wala ang mga ito.

      Sa kadahilanang pagmumukhang pagiging SELF-RIGHTEOUS kapag ganun. Nagmimistulang nakapanduduro ng kapwa-tao.

      Personally, ako ay nagpalaganap din ng HOMILY, READINGS at GOSPEL wordlwide, tuwing Linggo, pagkatapos ng Misa sa umaga ng 6AM, sa iba't iabang Facebook pages; kaya natutuwa ako kapag nakakakita ng ganitong adbokasiya,

      Mayroon din akong blogspot na maaaring bisitahin kapag may oras sa pamamagitan ng link na ito

      http://jesuschristministry.blogspot.com/2014/09/what-lies-beyond-upon-death.html

      Salamat po sa panahong nagawi ako dito.

      Pagpalain nawa kayo ng Panginoong Diyos sa inyong mga mithiin, para sa tahanan, Simbahan, hanap-buhay, publiko at mga lugar ng interes,

      Sincerely,

      Allan E. Ecleo
      Mobile: (+63) 09659909303
      Facebook: https//www.facebook.com/allan.ecleo

      Delete
  2. "Di man ngayon, darating din kame roon."

    Bakit ng ba may mga bagay na kailangan lumisan? Kailangan magparamdam ng basta basta?

    Minsan napapaisip ako na, Pano na kaya ako bukas? Kung patuloy pa ring bumabagabag sa aking isip at dibdib ang mga bagay na ito? Sa tingin ko, isa ako sa milyong-milyon tao sa mundo na naghahanap ng pag-aalaga na nararamdaman ko at nakikita ko sa tinuring kong magulang na ang aking tiya, na parang tinuring niya din ako na parang tunay na anak.

    Noong una, puspos ako sa pagmamahal at pagaaruga at pag-asang habang buhay makakamit ang ligaya. Nang sa isang iglap, parang nagbago ang lahat. Kinakailangan ng aking tiya na mangibang bansa para makapagtrabaho at makakuha ng mas malaking pera o sabihin na nating suweldo. Di ko man noon lubos na maintindihan pero may isang katanungan ako na hindi ko man lang nabanggit sa kanya, pumasok at tumatak sa isip ko ang “Pera o pamilya”. Simula noon, ako ba’y parang nalumbay at para bang nawawalan na din ng malay.

    Bakas sa aking mukha ang di maipaliwanag na parang isang kawawang bata, na naghahanap ng taong makakapagbigay sa akin ng tunay na tahanan, tahanan na kahit walang hagdan, basta may bubong na masisilungan at buo at nagsasamang masaya ang aking tinuring na ina, ang aking Tiya.

    Ako ngayo’y patuloy na lumalaban, kasama ang salitang ‘tama at mali’ kahit nanangungulila. Napagtanto kong sabayan na lamang ang takbo ng buhay ko at intayin ang panahon na makakasama ko ulit siya. Bigyan na lamang ng kulay ang aking buhay. Hintayin ko na lamang si tita, hanggang makabuo siya ng pamilya. Masaya ako kasi alam ko sa sarili ko na di pa rito nag tatapos ang aming nasimulang istorya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buong pusong naisalaysay ang damdamin
      3
      4
      3
      3
      Kabuoan 13

      Delete
  3. Pamamaalam ng isang Ina

    Isang nakakatakot na karanasan ang pag-aagaw buhay. Ang pakikipag-agawan sa kamatayan ng sariling buhay, ang pakiramdam ng tila nahuhulog sa isang malaki at napakalalim na balon, at ang unti-unting pagsikip ng iyong dib-dib na nagpapahirap sayong paghinga. Ito ang pakiramdam ng nag-aagaw buhay, ngunit paano kung ang ating pinakamamahal na ina ang makaranas nito sa hindi inaasahan at biglaang pangyayari? Na hindi tayo handa para sa kung anumang maaaring mangyari? Na ang magagawa mo na lamang ay magdasal ng ilang libong beses sa Panginoon at hilingin sakanya na huwag munang kunin ang iyong ina?

    Ang pinakamasakit na mga salitang dumurog sa aking puso at nagpatulo ng aking mga luha ay hindi ang mga salitang “Pasensya na, pero hanggang magkaibigan nalang talaga tayo” na nanggaling sa aking sinisinta, kundi ang umiiyak at naghihikahos na pamamaalam ng aking ina noong nasa birit sya ng kamatayan, na sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring ito ay gumigilid ang aking mga luha.

    Oo, isa sa pinakamapait na karanasan ng aking ina ang mga sandaling binabawian sya ng buhay, sa isang hindi inaasahang pangyayari ay bigla nalamang syang nahilo at naghabol ng hininga na tila nauubos na ang hangin sa kanyang paligid, nakaranas sya ng Vertigo, o ang pagbagsak ng potassium at WBC count, na nagresulta sa labis na pagkahilo at kung lumala pa ay maaaring magresulta ng coma, dahil daw ito sa sobrang pagod at stress na dinanas ng aking ina kung kaya’t hindi na ito kinaya ng kanyang katawan, lubos akong nakonsensya sapagkat alam kong isa ako sa mga dahilan ng problema nya at natauhan na dapat maging mabuting anak ako upang hindi na makadagdag sa sandamakmak na problema ng aking ina.

    Labis akong nagpasalamat sa Panginoon sa ipinagkaloob nyang pangalawang buhay sa aking pinakamamahal na ina, nangako akong magiging responsible at mabuting anak upang hindi na maulit ang nakakakikilabot na pangyayaring iyon sa aming buhay. Nawa magsilbing aral ito sa mga kabataang katulad ko na hindi gaanong binibigyang pansin at hindi ginagalang ang kanilang ina, na hangga’t maaari ay huwag tayong gagawa ng mga dahilan na kanyang ikadidismaya, na suklian natin ang kanyang pag-aaruga satin at alagaan at mahalin natin sila hangga’t may pagkakataon pa.

    ReplyDelete
  4. “Laban!”

    Ano ang buhay? Ito ba ay pagtahimik sa tabi at patuloy na pakikinig? Ito ba ay ang pagsunod sa gusto ng iba? Ito ba ay pagkawalan ng karapatang mabuhay ng Malaya at mabuhay na lamang ng parang preso , isang preso na habang buhay nakakulong? O baka naman ang takot na maiba sa maraming tao? Ano ng aba ang Buhay?

    “Wag mong hayaan na diktahan ng ibang tao ang buhay mo” Yan ang mga kataga na lagi kong ipinapaalala sa sarili ko. Hindi ko ipinagkakaila na isa akong bakla dahil kung tutuosin ipinagmamalaki ko pa ito. Ano naman kung isa akong bakla , tao parin ako at may karapatan na pumili ng sarili kong kasarian . Ang pagiging bakla ay hindi isang sakit , hindi ito mapipigilan ng kung sinuman , dahil miske ako hindi ko pinli ang pagiging bakla .Ito ay hindi katulada ng isang pagsusulit na bastang pipili ka lang ng sagot . Ang pagiging bakla ay simulat sapul , naroroon sa kailaliman ng aking puso , sa pagkapanganak sa akin.

    Hindi lahat ng tao ay kagaya ng mag magulang ko . hindi sa lahat ng oras ay minamahal ako . Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pupurihin ako . Bakit? Hindi ko nga rin alam. Maaaring dahil sa naiinggit sila dahil kaya kong ipakita at ipagsigawan na “ako ito at ako’y hindi magbabago para kanino man. Marami sa mga kaedad ka ang mga namula sa akin. Inaamin ko na akoy nasasaktan ngunit sa kabila ng sakit sa nadarama ito ay balewala na saakin. Naisip ko na hindi lang sila ang tao sa mundo marami pa akong makikilalang iba. Sa kabila ng ginawa nila sa akin hindi ko binago ang aking sarili , Ako ay ako at hindi kung sinumang tao.

    Alam kong saganitong mundo maraming bagay na hindi patas at hindi pantay-pantay, ngunit hindi naman siguro masamang humiling ng kalayaan, kalayaan na hindi makakamit ng kung sino kung laging sasabay ang lahat sa agos ng pagkakapareho ng buhay. Hindi rin naman masamang mag desisyon para sa iyong sarili. Ang pinaka masama sigurong pwede mong gawin sa iyong sarili ay piliin ang daan na tinatahak ng mga taong takot na pulaan, iwan at saktan. Ngunit Kahit masaktan, iwan at pulaan dapat sudin mo parin ang gusto mo dahil hindi ka nila laruan para basta-bastang sumunod sa gusto nila. Kaya ako, hindi ako magiging manika ng iba at ipag lalaban ko ang sarili ko at mga desisyon kong para sa buhay ko.

    ReplyDelete
  5. "Karanasan sa Manubela"

    Ang pagsapit ng bukang-liwayway ay hudyat na sa pagmulat ng mga mata nitong mga taong maghapong naka-upo ngunit maghapon rin namang nagmamaniobra ng hawak nilang manubela. Pawis, ngalay, at pagod ang napipintuhong kapalit ng bawat tapak at kontrol sa kanilang sasakyan. Ulan at araw man ay sumapit, hindi na daw ito alintana sa kanila marahil ay itinuring na nila itong kasangga sa buhay. Ngayon ay tunghayan natin kung paano ang buhay ng isang tulad nila.

    "Ang bawat sentimo ay naghahatid ng ngiti sa amin, ang bawat andar ay katumbas ng yaong buhay ng dahilan sa kabila ng pagsusumikap namin", isang makabagbag damdaming lupon ng mga salitang binitiwan at ikinintal sa akin ng isang marangal na drayber. Hindi lingid sa rurok na kayang abutin ng ating kaisipan kung paano ba ang buhay sa bawat pagpihit at pagbusina. Sino nga ba sila at ano-ano nga ba ang kwento sa likod ng kontrolado nilang buhay?

    Ang makitang masaya ang bawat isa, puno ng pagmamahalan at pagbibigayan ay ang mga bagay na pupunas sa tumutulong pawis dulot ng pagod na lahat ay para sa mga minamahal. Mahal mo ba ang taong ito? Kung mahal mo siya, hanggang kailan mo ito susuklian? Sa mga anak na hindi marunong tumanaw ng utang na loob at yaong walang pagpapahalaga sa mga bagay na natatamasa, ano ang rason ninyo upang gawin ito? Hindi ninyo alam ang pagod na nararanasan nila sa tuwina. Hindi ba at parang pinatay niyo na rin sila kung pagwawaldas lamang sa mga pinaghirapan nila ang ibabato mo? Sa palagay ko ay wala kang karapatan na suwayin sila dahil hindi ninyo alam ang pakiramdam ng matinding pagod na sasabayan pa ng sama ng damdamin tuwing sumusuway ka.

    Ang tinatawag na pandarayang "1,2,3" sa tuwing sumasakay sa dyip ay ang bagay na nagpapakita ng kawalan ng galang sa buhay ng isang drayber na ang tanging adhikain ay ang kumita para matustusan ang pangangailangan. Sa mga taong gumawa nito, hindi man lamang ba sumagi sa isipan ninyo na bago pa man nila kitain ang salaping ninanakaw ninyo sa kanila ay matinding ngawit muna ang susuungin? Atin din namang itanim sa kokote natin na may obligasyon sila at may dahilan ang pagsusumikap nila. Ang panloloko sa isang inosenteng tao ay tulad na din ng pagbabasura sa sarili mong reputasyon. Ang isang drayber ay nararapat ding tratuhin ng may katapatan at kung maging tapat ka, isa na itong tulong sa kanila.

    Masasabing ang buhay nila ay walang kasiguraduhan, maraming trahedya ang nakaambang ngunit pasalamat tayo at nalalagpasan nila ito sa bawat biyahe. Likas sa atin bilang tao ang malaman na ang bawat buhay ay may pagsubok, sa kanilang mga drayber masasabing pinakamalaking pagsubok ang pagkontrol sa manubela. Dito nakasalalay ang buhay ng maraming pasahero lalong lalo na ang buhay nila na handang isakripisyo para sa kaligtasan ng iba. Bilang taong nakikinabang sa sakripisyo niya, handa ka rin bang kumapit upang sa bawat preno ay hindi ka madala? Ikaw na pinaglalaanan niya ng pagsusumikap simulan mo na ang pagpapahalaga sa kanya dahil hindi sa bawat sandali ay matatag silang kakapit sa manubelang kinasayan nila.

    ReplyDelete
  6. Hanggang Kailan Ka Lalaban?

    Sadyang mapaglaro ang buhay. Isang araw nagising na lang ako na may kakaibang pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag kung paano at bakit ganoon na lamang ang naramdaman ko. Ilang araw pa ang lumipas kaya’t nagpasya na akong komunsulta sa eksperto. Ang hindi ko maipaliwanag na sakit ay nabigyang linaw. Dalawang beses sa isang linggo kung bumalik sa ospital. Libo-libo ang ginastos ko para sa sandamakmak na gamot maibsan lang ang nararamdaman ko. Napakahirap, sobrang nakakapagod.

    Paulit-ulit na naglalaro sa aking munting isipan ang mga tanong na hindi ko alam kung paano makukuha ang kasagutan. Minsan natanong ko Siya kung bakit ako pa? Nasaan Siya? May pag-asa pa bang gumaling ako? Gaano katagal nalang kaya ang ilalagi ko sa mundo? May dahilan at halaga pa ba kung mabubuhay ako? Ganoon yata talaga kapag nakaratay ka sa banig ng isang ‘di pangkaraniwang karamdaman. Sa kabila ng hirap, at pagod, pilit akong lumaban. Subalit tila mapagkait ang tadhana hanggang sa umabot na ako sa puntong, “tama na, ayoko na, hindi ko na kaya.” Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito iindahin.

    Sa bawat pagmulat ng aking mga mata napapaisip ako kung nararapat pa ba sa akin ang buhay na ito. Buhay na bigay ng may kapal na sa kahit anong oras ay babawiin din niya. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Araw araw mapapaisip na lang ako kung sa aking pagtulog ay magigising pa ba ako. May araw pa kaya akong masisilayan? May mainit na kape pa kayong matitikman? Tiwala, lakas ng loob, at pananamampalataya sa pag kakataong ito yan na lang ang aking magagawa.

    Sa paglaon ng panahon, doon ko napagtanto na may dahilan Siya kung bakit sa akin Niya ibingay ang ganitong klase ng pagsubok. Marahil alam niya na kaya ko itong lampasan. Sinusubok lamang Niya ang aking pananampalataya. Kahit kailan hindi Siya nawala. Hindi Niya tayo pababayaan basta lakasan lamang natin ang aing pananampalataya at ang ating pagtitiwala sa Kaniya. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Dahil kung sa simula pa lang ay susuko na ako, hindi ko makikita ang liwanag na nais kong maaninag.

    Ang buhay ko ay tila isang papet na kung saan ay kontrolado at minamanipula ng sakit . Hindi titigil hanggat hindi nakapagpapalibang at nakapagpapasaya. Para saakin hindi ito hadlang upang makamit mo anng iyong mga pangarap. Maaaring gawin mong inspirasyon ang ang iyong sakit pang maging matagumpay. Sabihin mon a kaya mo, ipakita mo na nilabanan moa ng ganitong sakit.

    Napakaganda ng buhay. Ilagay natin sa ating isipan na mahalaga tayo lalo na sa mata ng Diyos. May mga taong nais pang dugtungan ang kanilang buhay ngunit ang lubid na nakatali sa kanila ay humihigpit na. Lagi nating isipin na napaka swerte natin kahit ganito ang kalagayan. Kaya koayong mga nakatatamasa ng normal huwag sayangin ang ating mga oras sa mga walng katuturang bagay dahil may mga taong naghihingalo at gusto pang mabuhay kaya laban lng hanggat kaya pa.


    ReplyDelete
  7. "Susi sa kaginhawaan ng buhay"


    Ang edukasyon ang kailangang makuha ng mga kabataan. Dahil ito ang makatutulong para saiyong kinabukasan. Kapag ito ay nakamit mo, ligaya ang sasalubong at magpapakita ng kaayusan sa buhay mo.

    Mahirap ang maging isang tambay, yung tipong wala kang plano sa buhay. Syempre mahihiya ka sa iyong sitwasyon pero papayag ka bang ikaw ay maging pabaya sa sarili mo? Alam ko naman na mahirap ang ginagawa ng mga estudyante na pumapasok sa pribado o pampublikong paaralan pero kumpara naman sa kanila, mas mahirap na ang maging pabaya dahil wala kang mararating sa iyong buhay. Sabi nga nila, gagaya na lang sila sa kanilang nga kaibigan na tambay dahil pinapadalhan naman sila ng kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa kung saan mas malaki ang sweldo. Tama nga naman pero paano kung hindi na kaya ng kanilang mga magulang na mag trabaho? Saan na sila kukuha ng kanilang mga kakailanganin?

    Sa mga tambay, ang buhay nila ay isang mabigat na problema. Isa na kasi itong dahilan kung bakit hindi umuunlad ang mga pamumuhay ng mga tao. Maaari rin naman na magulo ang kanilang kapaligiran kaya naaapektuhan rin sila na walang gawin sa buhay. Parang sakit no? nakakahawa. Ang alam lang nila ay kumain at sumama sa kanilang mga barkada na pumunta sa kung saan-saan. Ibig sabihin nito ay malala ang suliraning kawalan ng trabaho ang mga pilipino. Sapat na sa kanila ang palipasin ang problema sa maghapon at magdamag na walang pag-unlad.

    Base sa nakalap ko sa aking panayam at sariling opinyon ay kailangan nating maging masipag bilang isang estudyante para matupad ang ating mga pangarap sa buhay. Kinakailangan rin natin ng determinasyon dahil napakasarap sa pakiramdam ang matapos mo ang ilang taong pag aaral at dito mo rin mararanasan ang gaan sa pakiramdam.

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. “Kinang sa Dilim”


    “~Ang aking buhay ay binago niya magmula ng ako’y magpasya sa aking puso’y paghariin siya, anong himala, ako’y nag-iba~.” Ang kantang iyan ang hindi niya malilimutan. Kataka-taka hindi ba? Kahit ako’y nagtaka din ngunit ng sambitin niya sa akin ang kwento unti-unti’y isip ko’y naliwanagan. Ikukwento ko din sa inyo ang kinuwento niya sa akin.

    Ang kanta ay napakaganda kung pakikinggan mo itong mag-isa. Ako na nagbulag-bulagan sa madilim kong nakaraan. Hindi ko man lang alam na isang makpangyarihang Diyos ang magbibigay sa akin ng kinang. Buhay na aking sinayang hindi na maibabalik pa. Paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan “Bakit kailangang maranasan ko pa?.” Ang hirap na nagdaan ngayon ay lumiliwanag na.

    Ika nga ng marami “People Change” yan din ang napatunayan ko. Ang pagrerebelde, pag-aadik, at pagbibisyo ay ginawa ko na yang lahat sapag-aakalang dito ako sasaya katulad ng nakikita ko sa iba. Kailanman hindi ko inisip na magiging tagapagpahayag ako ng bibliya, katawa-tawa hindi ba?, pero ito ko ngayon isang ganap na. Akalain niyong ako nasa tingin ng iba ay hindi masama ay naging napakamasama din pala. Nagrebelde ako dahil sa hirap ng buhay, nag-adik dahil akala ko ito ang tama at naginom, nanigarilyo dahil akala ko dito mawawala lahat ng problema. Pero nagkamali ako, hindi pala, hinding-hindi ito magiging solusyon dahil isa lang ang kayang tulungan at baguhin ka laking pasasalamat ko at nakilala ko siya, siya ay ang Panginoon.

    Ang Panginoon pala ang sagot sa lahat. Hindi mo na kailangang maghanap pa ng iba kasi siya ay higit pa sa sapat. Hindi mo na kailangang subukan ang mga bagay na wala kang patutunguhan at sisira lang ng buhay mo. Matuto tayong lumapit sa kanya, buksan natin ang puso natin at tayo’y babaguhin niya. Ang Panginoon lang ang magmamahal sa atin ng tapat at dalisay.

    Kay ganda ng mga pangyayari hindi ba? Ang tao pala talaga ay pwedeng magbago kung gugustuhin lamang natin at kung lalapit tayo sa Panginoon ay patatawarin niya tayo. Sabi nga sa 1 Juan 1:9 “Subalit kung, papahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maasahan nating papatawarin tayo ng Diyos sa mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.” Ang buhay ng tao ay parang sakunang katulad ng bagyo dahil pipiliin mong isakripisyo ang mga mahahalagang bagay para masalba ang buhay mo at ng iba. At higit sa lahat ay magsusumikap kang bumangon at lumabang muli.

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. “Ang aking Sandata”

    “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa” isang linyang gasgas na gasgas na ngunit may makabuluhang Ibig sabihin kung saan napakagandang ihambing sa buhay na natatamasa ngayon ni lolo Victorino Guevarra Kaya ang kwento ng buhay niya ay nagsusumigaw na kung wala kang pagsisikap malamang sa malamang ay wala kang mararating sa buhay sapagkat walang tutulong sa sarili mo kundi ikaw at ang diyos lamang ang gumagabay sa atin.

    Isang hamak na kamanero lamang ang trabaho niya noon at napadpad sa kamaynilaan upang doon humanap ng mas magandang trabaho ngunit isang Janitor lamang ang kinabagsakan niya .Diskriminasyon,yan ang kaniyang nakuha sa mga taong nangungutya sa kaniya dahil sa hindi lamang siya napagtapos ng pag-aaral.Hanggang sa lumipas ang panahon at nakapag-ipon siya ng sapat na pera para kaniyang kagustuhang makapagtapo ng pag-aaral at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may tumulong sa kaniya at inako ang lahat ng gastusin sapagkat nakitaan daw siya dito ng pagiging pursigido sa buhay.Nag apply ng scholarship at sa awa ng Diyos ay nakapasa at nakapagtapos sa kursong Civil Engineer pagkatapos ay muling nagsunog ng kilay at nung Agosto 22,1992 ay nakapasa siya sa board exam at nagging isang ganap na Inhinyero.

    Marahil ay napakalayo na ng kaniyang narating sa buhay ngunit sa kabila nito ay marami siyang kinakaharap na problema bago niya nakamit ang mga tagumpay na ito.Isa na dito ang pang-pinansyal na problema sapagkat habang nag-aaral siya ay nag-aaral din ang kaniyang limang anak kaya naman noon ang natatanggap niyang allowance mula sa kaniyang boss ay ipinapang-gastos niya ng matrikula ng kaniyang mga anak kung saan ang lahat ng itoy nakatapos lahat.Dahil sa mga panlalait na kaniyang naririnig,nagsilbi itong hamon sa kaniyang buhay upang lalo niya pang pag-butihan ang kaniyang pag-aaral at ipakita sa mga taong nangutya sa kaniya na may maipagmamalaki rin siya.Dahil na rin sa kaniyang pamilya ang lahat ng mga bagay na kaniyang naisakatuparan dahil nagsilbi itong inspirasyon sa kaniya.

    Hirap?,yan ang ating napagtanto pagkatapos nating marinig ang kwento ni lolo Victorino Guevarra ngunit sabi nga niya “Hindi mahirap ang bagay na ito kung ikaw ay may pagsisikap .Masasabi kong isa sa mga sangkap upang maging matagumpay ay pagsisikap at determinasyon sapagkat kung nakatayo lamang ay wala tayong mararating.Napakasarap isipin na pagkatapos mong maranasan ang hirap ay may naghihintay sayong tagumpay na pinagpaguran mo na naging parte na ng buhay mo sa pagkamit ng mga ito.

    ReplyDelete
  12. “Mundong nais alamin, mundong aking nasasalamin”

    "Narito ako ngayon, naiisip, naaalala ang gabing kasama ka, pinipilit alalahanin ang pagsasalong nandyan ka pa nanghihinayang ako ngayon nalulungkot, nangungulila. Ngunit ngayon wala ka na paano ba ang mag-isa? puso koy nalulumbay at nagsisisi masaktan ng lubus-lubusan naghihirap ang kalooban." Sa buhay ng isang tao, mahirap ang may kulang. Kulang sa pagkain? Kulang sa baon? O kulang sa pagmamahal? Mula kanino, sa jowa? sa kaibigan? Ah sa magulang. Sino ba sa atin ang gugustuhing may kulang? Hindi ba't wala, kung minsan pa nga ay labis ang ating paghahangad. Ano bang pakiramdam na kulang ka sa pagmamahal mula sa iyong mga magulang?

    Marami sa atin ang nangungulila sa pagmamahal ng magulang. Bakit nga ba? Maaaring dahil sa iba’t ibang aspekto tulad ng pangangailangang pinansiyal na kinikailangang mangibang bansa upang kumita ng salapi na kung minsan ay nagiging sanhi ng pagkalayo ng kalooban. Maaaring sa pansariling kapakanan dahil minsan ay iniiwan na nila ang kanilang anak pagkasilang o inabandona na nagiging sanhi ng pagtatanim nila ng galit hanggang sa pagtanda dahil hindi nila alam kung bakit kelangan pa silang iwanan. At ang pinakamasakit, ang mamatayan ng magulang dahil kailanman ay hindi mona ulit sila makikita at maibabalik dito sa lupa. Bukod sa pangungulila, kailangan mo pang harapin ang kinabukasan mo nang wala ang mahal mong magulang.

    Nabago ang takbo ng buhay ko ng mawala ang mga magulang ko. Hindi na ako makakaranas pa ng pamilyang kasimbuo ng isang tula dahil para sa akin ay nawalan na itong laman. Maaaring naiwan nila yung pamagat ngunit anong silbi nito kung pamagat lang? Katulad ng isang tula, sama-sama ang mga salita, sa amin, sama-sama sa hirap at ginhawa. Yung kapag binasa mo ay malaman at madami kang matututunan. Dati iba't ibang emosyon na kung minsan ay masaya ang aking nadarama ngunit ngayon anong nangyari? Ano bang pagkukulang ko? Bakit nasasalamin ko ang panghihinayang, pagkalungkot, pangungulila, pagdadalamhati, at pagkadismaya? Bakit? Nakakalungkot mang isipin na sa murang edad ko pa lang ay naulila na ako ngunit kailangan kong tanggapin na wala na sila at kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala na akong "inay" at "tatay" dahil kahit anong gawin ko ay hindi na sila babalik dito sa lupa, tanging ala-ala na lang ang pede kong balikan.

    Kaya ngayon, habang kapiling nyo pa ang inyong mga magulang, ipadama nyo sa kanila ang inyong pagmamahal. Iparamdam nyo kung gaano sila kahalaga. Hindi nyo man araw-araw na nasasabi sa kanila na "inay/tatay mahal na mahal ko po kayo" kahit man lang ipadama nyo ay ang laking epekto na nito sa kanila. Magpasalamat kayo sa mga natatanggap niyo galing sa kanila dahil bunga ito ng pagsisikap nila at pahalagahan nyo ang edukasyong ibinigay nila sa inyo. Pahalagahan niyo ang bawat salaping binibigay sa inyo. Kung maaari ay humingi na rin ng tawad sa mga kasalanan at pagkukulang na inyong nagawa. Suklian ninyo ang kanilang ipinaparamdam na pagmamahal sa inyo. Hindi natin masasabi kung hanggang kelan pa sila dito kaya't hanggang maaga pa, gawin niyo na ang mga bagay na ikasisiya nila at hindi yung mga ikagagalit nila bago pa pagsisihan ang lahat sa huli.

    ReplyDelete
  13. “Sa likod ng buhaghag na buhok”

    “Gabi, oh gabing gabi…Gabi ng kalungkutan…Bituin man ay wala, wala rin ang buwan…Ang lamig at basang simoy, ay halumigmig at maginaw. La-la-la, ha, ha-ha-ha-ha!” Ang pagsapit ng gabi sa kanya ay isang kasabikan, sa pagmamahal niya sa kanyang mga anak at sa paghahanap ng kasagutan sa dilim.

    Maraming tao sa panahon ngayon ang mapanghusga. Yung tipong lahat ng napapansin sa iba ay pawang mga mali o di kaaya-aya sa kanila. Madali para sa atin ang gawin ito, kahit hindi naman natin alam ang kuwento sa likod ng taong iyon at wala tayong alam kung ano ang pinagdadaanan niya.

    Napakalaking papel ang ginagampanan ng isang ilaw ng tahanan. Ngunit, paano pa kaya kung hindi lang pagiging ina ang ginagampanan niya kundi bilang ama rin? Kung titingnan, napakahirap na ang maging isang ina. Maging pareho pa kaya? Halimbawa na lamang ay ang pinagdadaanan ni Alenie sa kanyang buhay. Siya ay maagang naulila sa kanyang asawa at ang dalawa na lamang niyang anak ang kasama niya. Napakahirap siguro nito para sa kanya dahil wala siyang kaagapay sa pagpapalaki ng mga anak niya at wala pang susuporta sa kanila. Yung pakiramdam na nagdurusa ka na nga, tapos may mga tao pa sa paligid mo na kung ano-ano ang sasabihin tungkol sayo. Para ngang isang papel, ginasumot ka na nga, itatapon ka pa. Mga tao nga naman, May kasabihan nga na, “Don’t judge the book by its cover.” Palasak na ngunit napakaepektibo pa rin. Nangangahulugan lang ito na sa puso nakikita ang tunay na kaanyuan at hindi panlabas na anyo ang batayan.

    Sa kabila ng mga pinagdadaanan, mas makabubuti kung meron tayong respeto nang sa gayon ay maghari ang kabutihan at pagmamahalan sa isa’t-isa. Maganda rin kung matututo tayong tingnan ang buhay sa positibing bahagi nito. Bigyan natin ito ng kabuluhan. Lagyan natin ito ng mas matingkad na kulay. At ituring natin itong isang regalo na pinapahalagahan at ikinagagalak natin. Dahil hindi naman tayo mabubuhay ng maligaya sa mundong mapanghusga at masalimuot.

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  16. "Ang Buhay ng Nag iisa"

    Alam niyo ba kung gaano kahirap maging isang ina? Naisip niyo din ba yung hirap na pinagdadaanan namin maibigay lang namin yung mga bagay at pangangailangan niyo? Ang buhay ng nag iisang ina ay hindi madali lamang dahil makukuha mo lang ang salitang tagumpay kung dadaan ka muna sa hirap bago mo makamit ang ninanais mo. Mararamdaman mo ang paghihirap,madadanas mo ang tukso,panghuhusga at hindi maiiwasan ang makarinig ng mga masasakit na salita dahil sa mga taong mapanghusga.

    Ang pagiging isang ina ay malaking responsibilidad lalo na kapag ikaw lahat ang gumagawa ng paraan para maitaguyod namin ang mga pangangailangan ng aming mga anak. Masakit at mahirap para samin kapag nakakakita kami ng isang buong pamilya na nagtutulungan at nagkakaisa para lang maitaguyod ang pamilya namin. Sa katunayan mahirap talaga magtaguyod ng isang pamilya kung nag iisa ka lang at walang sumusuporta sayo. Sa tuwing nagtatanong ang aking mga anak ng paulit ulit na naririrnig ng aking tenga kung nasan ba ang kanilang ama? Masakit sa kalooban pag nararamdaman mo yung sakit na dinaranas nila sa pangungulila sa kanilang ama na kahit kailanman ay hindi nila naranasan na mahalin at alagaan sa tuwing sila’y nag kakasakit,at umiiyak sa gabi dahil sa kanilang kalungkutan na dinarama.

    Mahirap maging isang ina lalo na kung nag iisa ka lng lahat ng hirap, pasakit at mga pagsubok na darating ay papasanin mo lang mag isa. Paano nlng kung susukuan niya ang mga pagsubok na dumating sa inyo, walang mangyayari kasi wala siyang katulong na magtaguyod ng pamilya na meron kayo. Wala siyang aasahan na iba kung hindi ikaw lang at yung suporta na ibibigay mo sayong nag iisang ina. Kaya sana pagnakatapos ka. Sana mapalitan mo yung ginawang sakripisyo ng iyong ina para sayo .at pag nagkataon ikaw nman ang tutulong sayong ina.

    Kung ating mamarapatin dapat natin pahalagahan ang mga ginagawa ng ating ina kahit na ito ay simpleng bagay lamang pinaghihirapan nila ito kung siya ay nagagalit sa maliliit na pag kakamali na ating nagawa. Matuto tayong unawain na lamang ito dahil ayaw lamang niya na mapasama tayo. Dahil para sa kanya tayo ang kayamanan niya. Kung nawawalan man sila ng oras sa atin dahil sa trabaho nila. Isipin nalang natin na lahat ng iyun ay para sa atin at sa ating kinabukasan. Wag na natin dagdagan pa yung mga pasakit na pinapasan nila sa halip ay tulungan na lamang natin sila sa abot ng ating makakaya. Malay natin na umiiyak siya bawat gabi dahil hindi niya maibigay yung mga hinihingi natin. Masakit para sa kanya na hindi maibigay yung mga bagay na ating ninanais. Kaya lahat ng kaya nyang gawin at lahat ng trabaho na kaya nyang pasukin ay ginagawa niya mapagtapos lang tayo at maibigay yung mga bagay na kailangan mo.

    ReplyDelete
  17. "Bukang liwayway sa dilim ng buhay"

    Bawat tao ay nagsusumikap para makasabay sa agos ng buhay para tuparin ang mga pangarap o para lang makaahon sa hirap. Hindi biro ang buhay ng isang magbobote dahil araw-araw nilang nilalabanan ang init at ulan upang kumita ng pera. Hindi alin-langan ang pagod at hirap na natatamasa nila sa pang araw-araw dahil may nais silang abutin katulad ng karamihan sa atin.

    Ang buhay ay hindi basta-basta, hindi ka uunlad sa kalagayan mo kung mananatili kang estatwa at naghihintay nalang sa babagsak na himala. Ang buhay ay hindi parang isang pagpipinta mo sa blankong papel na agad-agarang obra maestra matapos ang ilang pagpipinta. Ang buhay ay nangangailangan ng masusing pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga bagay kahit na mahahalaga sayo. Dahil ang buhay kung may pangarap ka hindi sapat ang mayroon ka lang nito dapat ang pagnanais mong abutin ito ay mas malaki sa takot mo sa mga hahadlang dito.

    May isang katanungan sa isip ko na hindi ko matagpuan ang sagot, ano nga ba ang pangunahing problema ng mga mamamayan? Kahirapan nga ba? Dahil para sakin ay ito nga dahil dito nakikita natin ang dilim na yumayakap sa ating katawan na imposibleng mapiglasan. Ngunit kung magiging masipag tayo katulad ng mga magbobote maaaring umunlad ang Pilipinas at maglaho ang kahirapan na parang bula.

    Talaga nga namang mapaglaro ang mundo, paulit ulit kang itinutumba ngunit sa bawat tumba ay may natututunan ka at ito ang magsisilbing gabay mo sa bawat hakbang na tatahakin mo sa buhay mo. Huwag mong hayaang makuha ng iba ang karangalan mo. Kaya pahalagahan mo ito habang nasa iyo dahil hindi habang buhay panghahawakan mo ito. Dahil lahat naman ng tao ay dumaranas muna ng hirap bago guminhawa. Parang orasan lang minsan nasa ibaba minsan nasa itaas.

    ReplyDelete
  18. "Bukang liwayway sa dilim ng buhay"

    Bawat tao ay nagsusumikap para makasabay sa agos ng buhay para tuparin ang mga pangarap o para lang makaahon sa hirap. Hindi biro ang buhay ng isang magbobote dahil araw-araw nilang nilalabanan ang init at ulan upang kumita ng pera. Hindi alin-langan ang pagod at hirap na natatamasa nila sa pang araw-araw dahil may nais silang abutin katulad ng karamihan sa atin.

    Ang buhay ay hindi basta-basta, hindi ka uunlad sa kalagayan mo kung mananatili kang estatwa at naghihintay nalang sa babagsak na himala. Ang buhay ay hindi parang isang pagpipinta mo sa blankong papel na agad-agarang obra maestra matapos ang ilang pagpipinta. Ang buhay ay nangangailangan ng masusing pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga bagay kahit na mahahalaga sayo. Dahil ang buhay kung may pangarap ka hindi sapat ang mayroon ka lang nito dapat ang pagnanais mong abutin ito ay mas malaki sa takot mo sa mga hahadlang dito.

    May isang katanungan sa isip ko na hindi ko matagpuan ang sagot, ano nga ba ang pangunahing problema ng mga mamamayan? Kahirapan nga ba? Dahil para sakin ay ito nga dahil dito nakikita natin ang dilim na yumayakap sa ating katawan na imposibleng mapiglasan. Ngunit kung magiging masipag tayo katulad ng mga magbobote maaaring umunlad ang Pilipinas at maglaho ang kahirapan na parang bula.

    Talaga nga namang mapaglaro ang mundo, paulit ulit kang itinutumba ngunit sa bawat tumba ay may natututunan ka at ito ang magsisilbing gabay mo sa bawat hakbang na tatahakin mo sa buhay mo. Huwag mong hayaang makuha ng iba ang karangalan mo. Kaya pahalagahan mo ito habang nasa iyo dahil hindi habang buhay panghahawakan mo ito. Dahil lahat naman ng tao ay dumaranas muna ng hirap bago guminhawa. Parang orasan lang minsan nasa ibaba minsan nasa itaas.

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. "Ina Mo!"

    "May nagmamahal,aakay sayo,Aking ina ikaw ang nagbigay ng buhay ko,Buhay na kay ganda,Pangarap ko na makamtan ko na~"Ilan lamang ang mga lirikong ito,ang nagbibigay liwanag sa mga bagay na ginagawa para sa atin ng ating mga ina. Anu-ano nga ba ang mga ito? Gusto mo bang isa-isahin ko pa? Baka sa sobrang dami maging mala-nobela na ang talumpating ito. Basta tandaan mo, ang pagmamahal ng isang ina ay walang kapantay,ni materyal na bagay. Kaya suklian natin ito.



    Araw-araw,paulit-ulit tayong pinaglilingkuran ng ating mga ina na para bang hindi napapagod. Alam mo bang ang trabaho ng ina ay ang pinakamahirap na trabaho sa mundo? Isipin mo,walang sweldong makukuha,tanging pagmamahal lang ang nais at kotang-kota na sila roon. Paano nalang kung isang araw napagod sila? Paano kung isang araw nagsawa na sila sa paulit-ulit nilang ginagawa? Taga-plantsa,taga-luto,taga-laba,taga-linis,taga-tiklop,taga-hugas,kapag lahat ng yan nawala,paano ka na? Kakayanin mo ba?


    Ayon sa aking Mama,mahirap daw maging isang ina. Yung tipong luto dito,laba doon,plantsa dito,linis doon. Diba't kay raming gawain? Kung minsan ay sila pa rin nga ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Daig pa kamo ang isang bubuyog kung kumayod. Gaano kahirap yun? Galing ka sa trabaho,pag-uwi mo minsan ikaw pa ang magluluto ng pagkain o maghuhugas ng pinggan o maglilinis sa sala or all of the above. Pagod ang abot ni Inay. Biruin mo ba naman may trabaho na sa bahay,may trabaho pa sa labas.


    Bagaman mala-darna ang powers ni Nanay,kailangan niya pa rin ng tulong. Tulong nga ba nino? Ni Ding? Aba syempre hindi! Tulong dapat galing sa sariling pamilya niya. Hindi yung sa lahat ng bagay e,Ina ang kumakarga. Dahil katulad ng isang tao,napapagod din sila.Kung iniisip mo na wala namang binibigay sayo ang nanay mo,isipin mo rin na hindi lang dapat nating makita lahat ng binibigay ng ating mga ina,ang iba ay dapat nating madama. Sa buhay nagkakaroon lamang tayo ng isang tao na nagluwal,nag-aalaga at nagmamahal sa atin,simula ng tayo'y nasa sinapupunan pa lamang nila. Ang taong ito'y dapat nating pahalagahan,igalang at mahalin,sapagkat wala ka kung di ka niya binuhay at inire. Ang taong ito'y walang iba kundi ang Ina mo! Ang ina mong andyan sa tabi mo,tuwing may kailangan ka. Ang ina mong dumaramay sayo,tuwing may problema ka. Hindi sya yung tulad ng iba,na nawawala at bumabalik,mamahalin ka at sasaktan muli. At lalong lalo na ang inamong hindi ka iiwan at lubos kang mamahalin magpakailanman. Kaya kung ako sayo mahalin mo ng todo ang Ina mo,dahil hindi ka na makakahanap ng pagmamahal na tulad nito.

    ReplyDelete
  21. "Pag-ibig na palaging masusuklian"

    Naaalala nyo pa ba kung kailan ninyo huling sinabihan ng "I love you" o "Mahal kita" ang inyong mga magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas pinahahalagahan ninyo?

    Simula't sapul ay minahal na tayo ng ating mga magulang. Ang ngiti sa kanilang labi noong una tayong masilayan na hindi matutumbasan ng sino man, ang pagmamahal at pag-aaruga na kanilang ipinaparamdam sa atin na walang makakapantay na kahit na sino man.

    Isipin ko pa lamang ay bumibigat na ang loob ko, paano kaya kung sa murang edad pa lamang ay mawalay na ang ating mga magulang sa atin, ang kagustuhan nating makasama sila ay hindi natin nararanasan sa kadahilanang kailangang mangibang bansa upang mapag-aral at mabigyan tayo ng marangyang buhay. Kahit hindi mo ito isipin ay maraming nakararanas ng ganito.

    "Malungkot minsan pero wala akong magagawa kasi yun yung trabaho nila para masuportahan ang araw-araw naming pangangailangan." Ito ang katagang binitawan ni Gabrielle na parehong nagtratrabaho ang magulang sa ibang bansa. Ang pakiramdam ng hindi mo kapiling ang iyong magulang sa paglaki ay parang isang naliligaw na kuting na hinahanap ang init sa piling na sa magulang lamang matatagpuan. Ang bigat sa pakiramdam ng isang anak na gumigising sa umaga at hinahanap-hanap ang presensya ng kanyang magulang ay hindi mapapalitan ng saya hangga't hindi nakakapiling ang kanyang magulang. Sa panahong hindi nakasama ni Gabrielle ang mga magulang ay mas natutunan niyang pahalagahan ang bawat oras sa kanyang buhay.

    Paano pa nga ba natin sila papasiyahin? Paano pa nga ba natin masusuklian ang mga sakripisyong ginawa nila para sa atin?

    Simple lang, mag-aral ng mabuti upang makatapos at magkaroon ng diploma. Dahil ang diploma natin ay katumbas ng isang ginto para sa kanila. Yaman na hindi mapapalitan ng kahit na ano, yaman na katumbas ay walang hanggang kasiyahan.

    Lagi nating tatandaan na mabilis ang takbo ng oras. Bawat minuto o segundo ay mahalaga, kaya't habang nandyan at kapiling pa natin sila, iparamdam kung gaano sila ka-importante sa ating buhay.

    Magpasalamat sa pagbibigay buhay nila sa atin lalong-lalo na na sa mga sakripisyong ginawa nila mabigyan lang tayo ng magandang kinabukasan. Humingi ng tawad sa lahat ng ating ginawang pagkakamali at sa panahong pinaiyak natin sila, at ang pang-huli, sabihan sila ng mga katagang "mahal kita" o "mahal ko kayo mama at papa."

    Salamat, patawad, mahal ko kayo. Simpleng mga salita pero katumbas ay walang hanggang kasiyahan.

    ReplyDelete
  22. "Tamis ng Unang Tikim"

    Bawat lunok, anong sarap nang nadarama,
    Sa bawat pag-inom ng alak na pangtanggal ng problema.
    Tamis ng unang tikim na hinahanap-hanap,
    Na tila'y hindi maipaliwanag sa sobrang sarap.


    Bakit nga ba marami na ang nahihilig sa pag-iinom ng nakalalasing na alak? Hindi na ako lalayo pa tulad ng mga kabataan na tulad namin na mahihilig sa pag-iinom at nagiging bisyo pa ito ng karamihan. Ang pag-inom ng alak. Isang napaka-karaniwang karanasan para sa isang Pilipino. Mapababae man o lalaki, bata man o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alak. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tama bang ang alak ay nakakabawas ng problema? At bakit nga ba ang hilig uminom ng mga Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag-inom ng alcohol? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga kabataan ngayon sa pag-iinom?

    Ito ang tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom na tulad ko. Nakapagtataka talaga na sa lahat ng okasyon ata laging perfect attendane ang alak. Alam naman natin na ang alak ay isang salita na binubuo ng apat na letra ngunit maraming kahulugan at epekto sa ating buhay. Buhay na tila mapapariwara kung patuloy o uugaliin ang pag-inom nito ng isang kabataan na kagaya ko. Tayong mga kabataan na talagang hindi mapakali ng walang ginagawa, kaya't ang iba'y ginagawa itong hobby. Hindi man ganoon kasarap ang alak ngunit mahilig pa rin ang iba rito. Siguro dahil ito sa "tama" na nadudulot o nadadala ng pag-inom ng maraming alak.

    Malalim ang dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom ng nakalalasing na alak at marami rin ang nagiging epekto nito sa mga kabataan. Maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mahilig sumubok ng mga bagong bagay. Mga bagong bagay na tila'y bago sa kanilang mga mata na humihikayat na subukan at matamasa ang epekto nito. Ang alak ay isang lason na sumisira sa buhay ng isang tao lalo't higit sa isang katabataang tulad namin. Marahil para sa kanila ito'y nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan ngunit unting-unti nitong naaapektuhan hindi lang ang kanilang mga katawan ngunit pati na rin ang kanilang kinabukasan.

    Tayong mga kabataan ay dapat malinawan at maging bukas ang ating kaisipan sa bawat bagay na ating makakasalamuha o makakaharap. Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat na kaalaman tungkol sa pag-iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pag-iinom. Kaya naman nating mabuhay ng walang alak. Oo nga. Maganda ito sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring uminom pero dapat ay magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag dumating ang araw na magbabayad tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak.

    Kaya't dapat ng pigilan ang sanhi upang hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga problema na dapat lutasin ng mga kabataan para magsimula na ang pag-asenso at hindi nakatunganga lamang at walang ginagawa kundi uminom ng alak. Kung magsisipag lamang at titigilan ang pag-inom ng alak ay siguradong gaganda ang kinabukasan ng sinuman. Kaya't dapat na simulan ang pagbabago para mapaganda ang ating buhay. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga naman sa kasabihan, "Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan."

    ReplyDelete
  23. "Ang Makabagong Bayani"

    Nilisan ang sariling bayan para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Hirap ng kalooban ang kalaban kaysa anumang pagod ng katawan. Kayod kalabaw ang karamihan sa mga mangagawang pinoy saan mang panig ng mundo. Para sa mga OFW ang buhay ay napakahalaga dahil gagawin nila ang lahat para lang maitaguyod ang salat na buhay ng kanilang pamilya.

    Nagsimula akong mag-apply ng trabaho sa pabrika. Dahil sa highschool lang ang aking natapos nag hanap agad ako ng trabaho na makakatulong sa pang araw-araw na pang gastos ng aming pamilya. At laking pasasalamat ko'y natanggap ako sa isang pabrika. Hanggang sa ipapadala kami sa Taiwan. Naging maayos naman ako doon maayos ang sahod na aking natatanggap ay napakalaking tulong sa aking pamilya. Pero iba parin pala kapag kasama mo ang pamilya mo mas masaya.

    Ang buhay ng isang OFW ay napakahirap merong minamaltrato ng kanilang mga amo. Mas naaalagaan nila ang ibang tao kaysa sa sariling pamilya. Tinuturuan ang ibang bata kaysa sa sariling anak. Hindi nila nasusubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ipinapadala halos lahat ng sahod sa pamilya. Tinitiis ang inggit sa mga okasyong sila'y wala. Kaya saludo ako sa mga OFW ns nagsasakripisyo para sa ikakabuhay ng kanilang pamilya.

    Marami ang di talaga alam kung ano ba ang buhay ng isang OFW.
    Hindi madali ang pagiging OFW. Hindi porket nasa ibang bansa na ay maayos na agad ang buhay. Ang lahat ng pagsasakripisyo ay may magandang kinalalabasan, dahil madami ang umangat sa buhay dahil nagsakripisyo at nalagpasan nila ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay. Ang buhay ng isang tao ay parang isang matibay na kalsada na kahit maraming sasakyan na ang dumaraan araw-araw ay matibay at hindi basta-basta mabibitak.

    ReplyDelete
  24. "Obra ni Bathala"

    Sadyang may mga taong mahina, marupok at hindi kayang harapin ang problema. Pakiramdam nila ay pasan nila ang mundo. Problema sa pera, pamilya, relasyon at pag-ibig ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang tao ay nasasaktan sa dinaranas na kabiguan. Pangarap na hindi natupad, pangako na hindi napanindigan. Pagminsan pa ay nalilimutan ng magdasal at tumawag sa Panginoon. Ngunit, sa likod ng mga ito, ano nga ba ang kahulugan ng buhay?

    May naririnig ako dating, "pinanganak kang mahirap, mamamatay kang mahirap". Tumatak ito sa aking isip na siya ring naging motibasyon ko. Maliit pa lamang ako ay sanay na ako sa hirap. HIndi na bago sa akin ang parati kong wika sa sarili ko na, "Tuyo kahapon, tuyo na naman ngayon". Kaya naman pag nakakatikim ako ng bagong putahe ay laking pasalamat ko na sa Panginoon. Subalit, minsan ay sinisi ko rin ang Diyos dahil sa buhay na ito , buhay na puno ng pasakit at paghihirap. Nag-aral ako ng mabuti dahil alam kong ito na lamang ang tanging paraan para malampasan ko ito. Hindi ako nawalan ng pag-asa asa buhay at nanumbalik ang panalangin ko sa Panginoon. Hindi nagtagal ay nakatapos ako sa kolehiyo at nabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko. Napaisip ako, siguro tama nga yung sinasabi nilang ang lahat ay pagsubok lamang kahit ano man ito. Ito ay pagsubok na galing sa Diyos na dapat tayo ay hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay.

    Maging mapayapa tayo kasama ang mga obra ng Panginoon anuman ang hinahaka mo tungkol sa kanya. Ano mang kaganapan at minimithi sa kaguluhan ng buhay, magkaroon ng kapanatagan sa iyong diwa. Sa lahat ng mga pagsubok, pagkukunwari at mga basag na pangarap ay lagi mong isaisip kundi man ay isapuso na isa parin itong magandang daigdig. Maging ikaw ka at huwag kang mapanlibak. Lalo mo sanang hulmahin at hubugin ang pananaw mo na may positibo paring darating.

    ReplyDelete
  25. "Tropang walang iwanan" dab!

    "Natuto akong mabuhay mag isa dahil narin sa ginusto ko na tumira dito sa Pilipinasat mag aral dito kasama ang aking mga kaibigan. Nasanay na ako na malayo ako sa aking pamilya. Noong una di pa ako sanay na mawalay sa aking magulang pero nilaksan ko ang aking loob para makaya ko ang mamuhay mag isa. Iniisip ko na para din ito saakin at para matulungan ko din ang aking mga pamilya. Natuto akong makipag kaibigan at solusyonan ang mga problema ng mag isa at paminsan nakakatulong din ang aking mga kaibigan kahit papano.

    Ginusto kong tumira dito sa Pilipinas dahil masaya dito at nandito ang aking mga kaibigan na laging nandyan kapag may problema ako at sama sama naming sinosolusyonan ang mga problema. Ako ay nangungupahan lang at natuto rin akong pagkasyahin ang pera ko sa isang buwan. Binibigyan naman ako ng aking pamilya para sa pambayad sa bahay,kuryente at tubig.

    Sinasamahan dion ako ng aking mga pinsan at pinapakain din ako sa kanila at pinapatulog din ako sa kanilang bahay. Mahalaga saakin ang mga taong nakapaligid saakin.

    Pero iniisip ko rin na hindi sa lahat ng oras ay nandyan sila kasi may buhay din sila at may problema din silang hinaharap. At hindi hindi sa lahat ng oras ay matutulungan ako saaking problemang pinancial o sa pang araw-araw. Dahil natuto akong mag isa marami na akong natutunan nasanay na akong malaya ang aking magulang at natuto din akong makisalamaha sa ibang tao.

    #auto
    #bots
    #weloveyou
    #ballislife

    ReplyDelete
    Replies
    1. cleiton dave malabuyocOctober 24, 2016 at 7:00 PM
      5
      5
      5
      5
      Total 20

      Delete
    2. HAA??????? ๐Ÿ™ƒ๐Ÿ™ƒ๐Ÿ™ƒ๐Ÿ™ƒ

      Delete
  26. "Isa, Dalawa, Tatlo ang sa amin ay sigaw mo"

    "Hindi mahalaga kung sino ang aking ama ang mahalaga ay kung ano ang natatandaan ko sa kanya". Sila ang nga tatay na piniling lumayo sa sariling bansa upang maghanap ng maayos na ikabubuhay. Pinili nila ang mangibang bansa para takasan ang paghihirap na kanilang naranasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil gusto nilang mas maging maganda ang kinabukasan ng kanilang naiwang mahal sa buhay

    Sa kanilang mga pagtitiis sa mga hirap at lungkot na kanilang dinanas sila ay naging matatag. Nasabi ko ito sapagkat sa tuwing makakikita ko sila ay ang napaka tamis na ngiti ang unang bubungad sayo sila ay sabik na mahagkan at mayakap ang kadugong nawalay ng matagal na panahon. Sila ang may mas higit na hirap na dinanas noong kapanahunan nila na ayaw nilang iparanas sa kanilang mga anak. Sila ang mga amang larawan ng isang tunay na kaibigan tapat, maasahan at masasandalan. Sa kanila ay may natatanging paraan na dapat ang kabutihan at pagmamahalan ang dapat nanaig sa puso't damdamin

    Napaka hirap nga sigurong maging isang tatay dahil kahit ako na nagsisikap sa pag aaral para mapasaya sila, alam kong isa rin ako sa sakit ng ng ulo nila. Ang buhay ng isang ama ay mahirap tularan dahil buong buhay mo ay dapat mo lang ilaan sa pamilya. Ang pag unawa, pagrespeto at pag intindi sa mga sakripisyo nila ang dapat nating pahalagahan dahil doon natin sila mas matutunang mahalin

    Sa mundong ito hindi mawawalan ng mga kabataang nag rerebelde sa magulang. Dahil ba sa pagiging mahigpit ng tatay o sa pag didisiplina ng nanay? Sa sobrang higpit nila halos hindi mo na alam kung magiging malaya kapa ba sa mg desisyon mo sa buhay. Maswerte ka kung ganito ang iyong ama dahil kung bibigyan mo ito ng maling iterpretasyon hindi mo makikita ang tunay na sakripisyong ginagawa nila para maiangat ang antas nyo sa pamumuhay dahil lahat ng sinasabi nila ay para sa ikabubuti mo at hindi para sa ikasasama.

    ReplyDelete
  27. "Isa, Dalawa, Tatlo ang sa amin ay sigaw mo"

    "Hindi mahalaga kung sino ang aking ama ang mahalaga ay kung ano ang natatandaan ko sa kanya". Sila ang nga tatay na piniling lumayo sa sariling bansa upang maghanap ng maayos na ikabubuhay. Pinili nila ang mangibang bansa para takasan ang paghihirap na kanilang naranasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil gusto nilang mas maging maganda ang kinabukasan ng kanilang naiwang mahal sa buhay

    Sa kanilang mga pagtitiis sa mga hirap at lungkot na kanilang dinanas sila ay naging matatag. Nasabi ko ito sapagkat sa tuwing makakikita ko sila ay ang napaka tamis na ngiti ang unang bubungad sayo sila ay sabik na mahagkan at mayakap ang kadugong nawalay ng matagal na panahon. Sila ang may mas higit na hirap na dinanas noong kapanahunan nila na ayaw nilang iparanas sa kanilang mga anak. Sila ang mga amang larawan ng isang tunay na kaibigan tapat, maasahan at masasandalan. Sa kanila ay may natatanging paraan na dapat ang kabutihan at pagmamahalan ang dapat nanaig sa puso't damdamin

    Napaka hirap nga sigurong maging isang tatay dahil kahit ako na nagsisikap sa pag aaral para mapasaya sila, alam kong isa rin ako sa sakit ng ng ulo nila. Ang buhay ng isang ama ay mahirap tularan dahil buong buhay mo ay dapat mo lang ilaan sa pamilya. Ang pag unawa, pagrespeto at pag intindi sa mga sakripisyo nila ang dapat nating pahalagahan dahil doon natin sila mas matutunang mahalin

    Sa mundong ito hindi mawawalan ng mga kabataang nag rerebelde sa magulang. Dahil ba sa pagiging mahigpit ng tatay o sa pag didisiplina ng nanay? Sa sobrang higpit nila halos hindi mo na alam kung magiging malaya kapa ba sa mg desisyon mo sa buhay. Maswerte ka kung ganito ang iyong ama dahil kung bibigyan mo ito ng maling iterpretasyon hindi mo makikita ang tunay na sakripisyong ginagawa nila para maiangat ang antas nyo sa pamumuhay dahil lahat ng sinasabi nila ay para sa ikabubuti mo at hindi para sa ikasasama.

    ReplyDelete
  28. "Atleta"

    Noong bata pa lang siya, hilig na niyang maglaro ng basketball subalit hindi sya marunong maglaro at sa tuwing sinasali sya, pinapaiyak at pinagtutulungan ng kanyang mga kalaro kaya mahirap maging atleta. Pero kahit ganun pa man ang nangyayari sa kaniya ay nakakalimutan na nya iyon dahil masayang makipaglaro. Sino ba namang atleta ang hindi sasaya kapag nilalaro nya ang kanyang hilig sa sports diba wala? syempre wala, kahit nahihirapan sya na isabay ito sa pag aaral ay nasusulusyunan padin niya ito dahil sa kanyang mga kaibigan. Tinutulungan siya ng mga mas nakakatanda sa kanyang kasapi o ka team niya.Pero may pagkakataon din na sila ang tumutulong.

    At noong una syang naglaro ay pinaiyak at pinasakit ang kanyang katawan tuwing natatapos ang laro. pero patuloy parin nya itong sinusubukan ngunit parang hindi na kaya ng kaniyang katawan ang isang pisikal na laro ngunit gumawa siya ng paraan upang gumaling at sya ay napaisip na magensayo na lang para sya ay maging mahusay. Napakahirap ng training na nararanasan niya at patuloy parin syang nagpupursigi upang maging mahusay. at ng maka ilang buwan unti-unti na syang maging mahusay sa laro.

    Ang pinakamasayang parte ng pagiging atleta ay kapag dumating na yung pinakahihintay niyang araw! Ang araw ng kanilang kompitisyon at higit sa lahat ay ang magaan sa pakiramdam na papawi sa lahat ng pinaghirapan mo. Na kapag hawak mo na ang gintong medalya at dahil nandun ang kaniyang pinaghirapan noon ay tagumpay dahil sa kanyang paghihirap noon.

    ReplyDelete
  29. "PAIT NG KAPLARAN"

    Labing limang taon, Isang daan at walumpung buwan, Halos limang libo apat na raan at siyamnapung araw, Isang daan tatlumput tatlo at siyamnaraat dalawampung oras, ang taon, buwan, araw at orasang nakalipas nang magsimula ang mahirap kong paglalakbay sa malubak na daanan ng aking buhay.

    Lahat ng tao ay pantay pantay sa mata ng Diyos, Ngunit hindi sa ating mundong tinitirahan, May dalawang uri ng antas ng buhay. Ang mayaman at ang mahirap swerte mo kung mayaman ka, May mga tap kasing kahit anong sikap hindi umuunlad. Mahirap mabuhay sa mundong parang patay.

    May mga taong ipinanganak para mabuhay at mag hanapbuhay. Mga taong nag tatrabaho sa kanilang murang edad para sa kanilang pamilya at dahil nga sa murang edad ay hindi maaring makakuha ng maayos na trabaho.

    Hindi madaling mabuhay at lalong lalo na ang maghanapbuhay. Hindi madaling isantabi mo na lamang ang pangarap mo sa buhay. Hindi madaling malayo sa iyong pamilya. Hindi madaling isipin na mas naalagaan mo pa ang ibang tao kaysa sa sarili mong kadugo, kung minsan pa ay minamaltrato ka. Hindi madaling maging isang kasambahay.

    Hindi maiiwasang mag tanong ka sa taas kung bakit ikaw pa, Ngunit sa kabila nito maiisip mo ein na ang binigay mong dugot pawis sa trabaho ay ang magandang kinabukasan ng pamilya mo ang katumvas nito. Maiisip mo rin na ang lahat ng bagay ay may dahilan, Dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo at kung bakit tayo ang pinili niyang hinarap sa problemang ito.

    Ang buhay natin ay parang isang agos ng ilog, Walang katapusan at hanggang naagos ito ay may pag asa. Sa halip na sabihin nating nahihirapan tayo, Bakit hindi na lamang natin isipin ang kalakasan at ang pangarap natin? Darating ang oras sa buhay natin na tayo ay mapapagod, At kung dumating man ito, Matuto tayong magpahinga ngunit hindi ang sumuko.

    ReplyDelete
  30. Ama ko’y ama ko parin

    Hindi lingid sa ating kaalaman pero ang mundo ngayon ay marami na ang pag babago ngunit hindi natin to napapansi. Marahil ang nagdulot ng pagbabagong ito ay kalayaan. Malaya na tayong bumoto gawin ang ating ninanais ngunit ang pupunan natin ng pansin ay ang laya sa pag pili ng kasarian.

    Ngayon di na bago sa ating paningin ang magkasintahang lalake sa babae,lalake sa lalake,babae sa babae. Pero para samin ang pinaka di karaniwan ay ang mag asawang banae’t lalake ngunit bakla ang lalake.

    Masasabe pa ba ng mga anak nya na “my dad is my first hero?”. Ang milyonaryong si Drewitt at Barlows ay gumawa ng kasaysayan sa britanya noong 1999 nung mag ampunin nila ang anak nilang kambal. Sa pag papakita nila ng lakas ng loob makikita mo naman kung gaano sila kapursigido. Sa likod ng pang lalaet at pangungutya ng mga tao ay di ito naging balakid sa kanilang ninanais. Ngunit kaakibat din nito kailangan nilang sumabay sa agos ng buhay kahit anung tumba at dumapa man kailangan mag “move forward”. Sa ganito sila naging matatag na para bang haligi na di magiba.

    Sa kabila naman si Rober De Niro jr. Isang sikat na aktor na nadam din ito dahil sa kanyang ama na isa ring bading. Ginawanan nya ito isang dokyumentaryo na masasabi mong babago sa pagtingin sa kanya. Talaga nga namang ang respeto at pag ibig mo sa magulang ay di magbabago anu man ang mangyari kung tunay mo silang mahal kahit sino pa sila.

    Pero bago ko tapusin to, isa lang ang dapat ang inyong tadaan. Respetuhin mahalin at ipagmalaki natin ang ating mga magulang. Di lang dahil utang natin buhay natin sa kanila dahil sa paggalang natin sa kanila ay napapasaya din natin ang Diyos.

    Masama,babaero,lasenggo,bakla,tomboy,di man perpekto.kailangan parin natin silang mahalin.

    ReplyDelete
  31. ang ganda nakakapulot ako ng mga magagandang aral

    ReplyDelete